Nabulabog ang isang barangay sa Iloilo City dahil sa insidente na may 11 katao ang sabay-sabay umanong nagwala matapos na sapian ng pinaniniwalaang mga elemento.
Ang mga elemento, ayon sa albularyo, mga taong "itim" daw na hinihinalang nagambala nang galawin ang kanilang tirahan na punso.
Para alamin kung may kababalaghan talagang nangyayari sa naturang lugar, nagtungo doon ang paranormal investigator na si Ed Caluag.
Alamin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ang resulta ng imbestigasyon ni Caluag at ang paliwanag din ng iba pang dalubhasa sa siyensiya tungkol sa insidente umano ng sapi at punso. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News