Walang kahirap-hirap na umusad ang Pinay tennis player na si Alex Eala sa quarterfinal ng 2025 Miami Open matapos umatras ang dapat niyang katunggali sa Round of 16 nitong Martes (Manila time).

Nakalusot si Eala sa Top 8 ng kompetisyon sa Florida, USA nang umatras sa laban nila ang world ranked no. 11 na si Paula Badosa ng Spain dahil sa injury, ayon sa World Tennis Association (WTA).

Pumasok si Eala sa kompetisyon bilang "wildcard" player, at nanggulat nitong Lunes (Manila time) nang pataubin niya ang fifth-seeded American na si Madison Keys, at siya ring kampeon sa Australian Open.

Tinalo rin ni Eala ang 2017 French Open champion na si Jelena Ostapenko ng Latvia sa Round of 64, bago niya pinayuko si Keys sa Round of 32.

Sunod na makakalaban ni Eala alinman kina Elina Svitolina ng Ukraine o Iga Swiatek ng Poland, na bronze medalist sa 2024 Paris Olympics. --FRJ, GMA Integrated News