Ikinamangha ng mga scientist ang namataan nilang “glow in the dark” na pusit na niyakap ang camera sa pag-aakalang isa itong prey o pagkain sa South Pacific.
Sa ulat ng Saksi, mapapanood sa isang video ang isang deep-sea hooked squid na “umiilaw” dulot ng bioluminescence nito.
Namataan ng mga scientist mula sa Australia at United Kingdom ang pusit na may habang mahigit dalawang talampakan.
Nakita ang deep-sea hooked squid sa lalim na isang kilometro sa South Pacific noong Mayo 8. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News