Ibinunyag ni Jamela Villanueva, dating nobya ng aktor na si Anthony Jennings, ang ginawa umanong pagtataksil sa kaniya ng aktor kasama si Maris Racal. Ibinahagi ni Jamela ang screenshot ng pag-uusap nila ng dating nobyo sa Instagram Stories, at ang kaniya raw mga natuklasan.
Ginawa ni Jamela (pitong taon nang kasintahan ni Anthony), ang pagbubunyag matapos na ihayag ng aktor kamakailan ang ang kanilang paghihiwalay. Kasabay nito ang pakiusap ng binata sa fans na huwag idamay si Maris sa isyu, ayon sa ulat ng PEP.
Nagpasalamat si Jamela kay Anthony sa pagsasabi ng katotohanan tungkol sa kanilang paghihiwalay. Nanatili umano siyang tahimik upang protektahan si Anthony "out of respect." Bukod dito, gusto rin niyang ingatan ang kaniyang personal na buhay sa gitna ng lahat ng mga natatanggap na hate message at nagpahayag ng suporta para sa MaThon love team.
“When Maris came into the picture, I was genuinely happy for you both. I even chose to be supportive, despite the red flags I couldn’t ignore. I respected your craft. I believed in you both. But betrayal like this cuts deep," sabi ni Jamela.
Ipinaliwanag ni Jamela na ang ginawa niyang hakbang, at pag-post ng IG Stories ay paraan niya para maka-move on, “not with anger, but with strength, hope, and the belief that better days are ahead.”
Mula pa noong Hunyo ang mga unang screenshot na nai-post ni Jamela, na isang gabi bago ang paglulunsad ng brand ng MaThon na tumuloy sila sa parehong hotel.
Sa mga naturang screenshot, tinanong ni Anthony si Maris, “Gusto mo pa ba?” na tinugunan naman ng aktres, “Sa next life na.” Sinabihan din ni Maris si Anthony na dapat nilang burahin ang kanilang messages.
Nang gabing iyon, kinausap ni Jamela si Anthony, na nagsabi sa kaniya na nahihirapan ito. "Mahal kita tapos kailangan ko gawin ‘to. Parang naka pako ako sa pader," sabi ni Anthony sa kaniyang mensahe.
“He was telling me that he had to do it for work," kuwento ni Jamela sa kaniyang followers. "I’m not sure if you’re familiar with method acting, but this was something he kept emphasizing to me. He explained that he needed to make her feel loved and appreciated because she was going through something as well.”
Ayon kay Jamela, buo ang kaniyang suporta kay Anthony "because I believed in him and trusted him at that time."
Patuloy na nag-usap ang dalawa, ayon kay Jamela, at nagtiwala naman siya at hinayaan niya lamang ito.
Una rito, inanunsyo ni Maris ang hiwalayan nila ng kaniyang dating nobyong singer na si Rico Blanco noong Hulyo. Sinabing walang third party at hindi sangkot si Anthony sa naturang hiwalayan.
Kasamang ipinakita sa mga screenshot ng mga pag-uusap pa nina Maris at Anthony, na nangyari noong nasa set sila. Sa isa sa mga pag-uusap, may nakasaad na na sinabi umano ni Maris kay Anthony na, "that was so hot" at sumagot si Anthony ng, "It was."
Nang komprontahin ni Jamela si Anthony tungkol dito, sinabi ng aktor na hinila siya ni Maris sa banyo ng mga babae at nagsimula silang mag-"make out."
“I asked him why did he let her, he just said, ‘ayoko lang maramdaman niya na parang ayaw ko siya kasi may trabaho kami bukas,’” kuwento ni Jamela. “He said sorry and said na ititigil niya na, and naging okay kami.”
Noong Agosto, nalaman ni Jamela na nagsinungaling si Anthony sa kaniya, nang sabihin ng binata na pagod siya at gusto nang matulog. Ayon kay Jamela, nasa bahay ni Maris ang aktor at iniwan pa ang kaniyang sweater doon. Nang komprontahin siya ni Jamela, sinabi ni Anthony na nag-karaoke session lang sila sa bahay ni Maris.
Nito namang Setyembre nasa Palawan si Anthony para sa isang locked-in taping ngunit nakakapag-update at nakakatawag pa siya kay Jamela araw-araw.
Lumipad siya patungong Italya pagkatapos para sa isang work trip na kasama si Maris, at habang nandoon, nag-iyakan pa sina Anthony at Jamela sa isang video call habang, “were trying to figure out what was really going on.”
Sinabi ni Jamela, na maysakit noon, “We’re both really overwhelmed with stress but binigyan niya ‘ko ng assurance na aayusin namin pag-uwi niya.”
Sinamahan pa ni Anthony si Jamela sa ospital para magpa-MRI noong huling linggo ng Setyembre. Tumira rin siya sa condo ng lalaki para alagaan niya ito pagkatapos ng kanilang trip.
“We hadn’t broken up yet. He kept reassuring me that everything was okay between us, and that he was just focused on his work," saad ni Jamela.
Gayunman, naghihinala na si Jamela at nagpasya siyang tingnan ang telepono ni Anthony habang natutulog. Nagulat siya nang mabasa ang mga text messages umano ng kaniyang nobyo at ni Maris.
Nagulat din si Jamela nang tanungin umano ni Maris si Anthony tungkol sa kaniyang pagkakasakit.
Sa trip na iyon, ipinagdiwang ni Maris ang kaniyang ika-27 kaarawan, na nag-post ng isang sorpresa mula sa mga crew ng airline, na hawak naman ni Anthony ang isang cake. Nang maging viral ang birthday post, sinabihan ni Anthony si Jamela na gawing pribado ang kaniyang mga social media account.
Pumayag siya pero sinabihan niya si Anthony na ipaliwanag sa kaniya ang totoo.
Ayon kay Jamela, sinabi ni Anthony na ititigil niya ang pakikipag-ugnayan kay Maris, ngunit sa kondisyong mananatili siyang tahimik at gagawing pribado ang kaniyang mga account.
“This is the other side of the story—the photos that she posted in her Story, where people started attacking me, saying that the photo was just ‘fan service’ and I was overreacting," sabi ni Jamela, at idinagdag na tinanong niya si Anthony tungkol dito ngunit binalewala lang umano.
Ayon kay Jamela, “that’s when everything started to spiral."
Habang sinusubukan niyang magbigay ng benefit of the doubt, noong Oktubre, sinabi ni Jamela na “ended things as peacefully as I can.”
Bago tapusin ang kaniyang serye ng mga post, nag-iwan ng mensahe si Jamela para kay Anthony, na tinawag niya bilang Michael.
“For nearly 7 years I'm so grateful for you being my rock, my best friend, and most especially my partner. The memories we've shared over those years are the ones I will always treasure and remember,” saad niya.
“I know I've loved you enough to make you feel that way, and I could never think of anyone who would make me feel the way you do. You're my first in so many things, and I'm glad I got to experience them with you,” dagdag pa niya.
“Happiness was all I ever wanted for you, in our years of living together. I never imagined I'd have to let you go, but I did—so you could grow and find happiness on your own,” saad niya.
Nagpaalala rin si Jamela para sa lahat ng kababaihan na nagbabasa tungkol sa kaniyang karanasan na, “Don’t be like me.”
“It took me three long months to finally accept that I was just ignoring the reality of the situation. The sleepless nights, crying and anxiety attacks and sabotaging yourself—for those three months, I blamed myself for everything I thought, felt, and saw during that time. I convinced myself I was just overthinking and overreacting because I desperately wanted to see the good in the situation,” saad ni Jamela.
Pinasalamatan niya ng mga taong “who've found strength in my story, and whose hearts I've touched.”
“They remind me that sharing my truth isn't just about my own healing—it’s about empowering others to find the courage to embrace theirs. So if you ever find yourself in the same shoes as me, I hope you can gather the strength to put yourself first and protect your peace," pagpapatuloy niya.
Hiningian na ng GMA News Online ng panig sina Anthony at Maris ngunit hindi pa nagbibigay ng tugon sa oras ng pagkakalathala ng artikulong ito. -- Nika Roque/Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News