Kinagigiliwan ng netizens ang grand entrance sa simbahan ng isang bata na nakasakay sa isang remote-controlled car habang dumadalo sa kasal ng kaniyang mga magulang.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, makikita sa video na ini-upload ni Justine Dy, na behaved at chill lang ang one-year-old na si Baby Gael nang magpunta sa altar ng simbahan.

Ginaganap noon ang wedding ceremony ng kaniyang mommy at daddy sa Makati.

Makikita rin sa video na aliw na aliw naman ang mga bisita kay Gael na napapatingin pa sa kanila.

Umani na ng mahigit dalawang milyong views at libu-libong heart reacts ang video sa Tiktok. --FRJ, GMA Integrated News