Sa sobrang pagod mula sa trabaho, mahimbing na nakatulog si Leo Orendain sa kaniyang bahay sa Sto. Tomas, Batangas. Pero ang masarap niyang pahinga, ginambala ng malaking ipis na pumasok sa kaniyang tenga.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ni Orendain na matinding sakit ang kaniyang naramdaman sa loob ng kaniyang tenga sa tuwing gumagalaw ang isip.

Pero dahil sa takot na mahawahan ng COVID-19, hindi na nagpadala pa sa ospital si Orendain. Sa halip, nagpatulong na lang siya sa kamag-anak na mano-manong sungkitin ang ipis sa loob ng kaniyang tenga gamit ang tiyani.

Gayunman, hindi nila kaagad natanggal ang ipis at inabot pa ng magdamag bago natapos ang kalbaryo ni Orendain at makita kung gaano kalaki ang ipis.

Ano nga ba ang dapat gawin kapag napasukan ng insekto sa tenga at papaano maiiwasan ang katulad na nangyari kay Orendain?

Si Oredain, nagkaroon ng trauma sa kaniyang karanasan at naglalagay na raw ng bulak sa tenga kapag natutulog.  Panoorin ang video na ito ng "KMJS."


--FRJ, GMA News