Nag-post ang non-showbiz girlfriend ni Buboy Villar na si Khrizza Sampiano kanilang larawan kasama ang kanilang baby. Nangyari ito sa kaarawan ng aktor, ilang araw matapos din niyang isapubliko na mayroon na siyang bagong nobya at anak.

Sa Instagram, ibinahagi ni Khrizza, o Isay, ang ilang family photos nila, kasama ang kanilang three-month-old son na si Kyrus o Kyrie.

BASAHIN: Jelai Andres, ibinisto ang bagong non-showbiz GF ni Buboy Villar?

Naglagay din si Isay ng maiksing mensahe sa caption para kay Buboy.

"Happy birthday to the guy who still makes me laugh every day! Here's to another year of blessings," saad niya.

 

 

Ginawa ni Buboy ang pagsasapubliko ng kaniyang bagong nobya at anak sa nakaraang episode ng vlog na kinabibilangan niya na "Your Honor."

Ayon sa Kapuso comedian, inilihim niya muna ang tungkol sa kanila ni Isay dahil ayaw niyang mabigla ang nobya sa magiging reaksyon ng publiko.

Mayroong dalawang anak si Buboy sa dati niyang partner na si Angillyn Gorrens.

Naghiwalay ang dalawa noong 2020 pero nanatiling silang magkaibigan at co-parent sa kanilang mga anak.—mula sa Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News