Dahil mas mahina ang resistensya ng mga taong may sakit sa dugo, kailangan nilang doblehin ang kanilang pag-iingat ngayong may banta ng COVID-19.
Sa "Sumbungan ng Bayan," sinabi ni Dr. Plong Zapata Mesina, hematologist, na bukod sa pagma-mask at palagiang paghugas ng kamay, kailangan konsultahin din ng mga may impeksiyon sa dugo ang kanilang doktor kung kailangan nilang ituloy ang kanilang chemotherapy sessions.
Ito ay dahil may ibang sakit sa dugo na hindi umano dapat ipagpaliban ang chemotherapy. Gayunman, kailangan sumunod sa COVID-19 precautions.
Sumangguni rin sa doktor kung hindi sigurado ang isang pasyente kung kailangan niyang magsalin ng dugo. Panoorin ang buong pagtalakay sa naturang paksa sa video na ito. —Jamil Santos/FRJ, GMA News