Nasawi ang isang 21-anyos na babae matapos siyang tamaan ng ligaw na bala sa isinagawang operasyon ng mga pulis na nagmamanman sa isang wanted person sa City, Surigao del Sur.
Sa ulat ni Kent Abrigana sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Miyerkules, sinabing nangyari ang insidente nitong Lunes ng gabi habang nagsasagawa ng surveillance operation ang ilang pulis laban sa isang suspek na wanted sa pagpatay.
Ayon kay Police Major June Hontanosas, Officer in Charge ng Police Community Affairs and Development Unit (PCADU), napansin ng suspek ang mga pulis at nagtangka itong bumunot ng baril kaya nagpaputok ang mga operatiba.
Nakatakas ang suspek at tinamaan ng bala ang babaeng biktima, na inaalam pa kung bakit nandoon siya lugar ng operasyon.
Dahil sa nangyari sa babae, posible umanong maharap sa administrative charges ang dalawang pulis.
“Mag-undergo sila og paraffin test sa karon tapos nag-preparar pa kung kinsa ang nakaigo sa ilaha. Definitely, nagpreparar ang estasyon og kaso against sa pulis kay kinahanglan man gyud managot,” ani Hontanosas.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya ng biktima, ayon sa ulat.-- FRJ, GMA Integrated News