Nararamdaman na ng mga residente sa lalawigan ng Quezon ang malakas na hangin at ulan na dala ng bagyong Ulysses.

Sa bayan ng Plaridel, naglalakihang alon ang humahampas sa sea wall. Inaabot na ng mataas na alon ang highway.

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

Sa kabila ng masamang panahon ay ilang kababayan natin ang nanghuhuli ng isda sa pamamagitan ng biwas sa dagat.

May mga residente na rin na lumikas sa iba’t ibang bayan.

Nanatili namang passable ang Maharlika Highway sa bahagi ng Quezon province.

Wala nang supply ng kuryente ngayon sa maraming lugar sa probinsya.

 

Samantala, nakatanggap ng ulat ang GMA News dakong alas-tres ng hapon na kasalukuyang nagkakaroon ng storm surge sa bayan ng Calauag. Pumasok na umano sa palengke ang tubig mula sa dagat. —LBG, GMA News