Nakaugnayan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang Filipino community sa Dubai, United Arab Emirates nitong Sabado.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Lunes, sinabing kasama ni Gng. Marcos sa pagbisita sa Dubai ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Ayon sa mga overseas Filipino workers (OFWs), masaya silang makita ang unang ginang.

Sinabi ni Gng. Marcos sa mga OFW na bibisita si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa UAE sa Nobyembre. —FRJ, GMA Integrated News