Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing sinampahan ng musician na si Bosko Kante ang British popstar at ang label nito na Warner Music Group.
Ayon kay Kante, hindi niya binigyan ng pahintulot na gamitin ang device na “talk box” sa remixes ng “Levitating” ni Dua Lipa.
Dagdag ni Kante, entitled din siya sa mahigit $20 million na kita ng kanta.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag sa Reuters ang kampo ni Dua Lipa at Warner Music Group.
Ito ang ikatlong copyright lawsuit sa Levitating na ni-release noong 2020.
Nitong Hunyo, na-dismiss ang unang kaso na isinampa ng reggae group na Artikal Sound System, habang ongoing ang isa pa na isinampa naman ng songwriter na si Sandy Linzer at L Russell Brown.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News