Inilahad ni Rabiya Mateo na minsan na siyang naloko ng kaniyang business partner at nawalan siya ng aabot sa P1 milyon.

Sa ulat ng GTV Balitanghali nitong Miyerkules, sinabi ni Rabiya na siyam na buwan na ang nakararaan nang malaman niya ang ginawang panloloko sa kaniya.

Masakit man na tanggapin, tinanggap daw ni Rabiya na lesson sa kaniya ang nangyari kaya naging mas maingat na siya sa pagpasok sa negosyo upang hindi na maloko muli..

Sa ngayon, busy si Rabiya at ang kaniyang nobyo na si Jeric Gonzales sa kani-kanilang proyekto.

Kasama si Jeric sa upcoming mystery drama series na "Widow's War," habang may cameo role si Rabiya sa upcoming primetime series na "Pulang Araw." --FRJ, GMA Integrated News