Pinabulaanan ni Linda Marie Gorton ang pahayag ng kaniyang ex-partner na si Dennis Padilla na may co-parenting setup sila ng aktor sa dalawa nilang anak.
Sa Instagram, sinabi ni Gorton na wala silang pormal na pag-uusap ni Dennis sa pagpapalaki sa kanilang mga anak matapos silang maghiwalay.
"We don't have a co-parenting setup because since we parted ways in July of 2020, we never had a formal conversation about our separation and how we will raise our kids. Basta nakakausap niya lang ang mga bata," ayon kay Gorton.
Sinabi rin niya na hindi tuloy-tuloy ang suporta ni Dennis sa kanilang mga anak "as there have been lapses through the years" at kailangan pa niyang magtanong tungkol sa naturang bagay.
"Consistency in child support wasn't always the case. Through the years there were many lapses in between. And many times I had to, and still have to persistently ask for it kasi kung papabayaan ko matagal at kulang-kulang ang padala," pahayag ng dating beauty queen.
"Because I also work here, ako ang nagpuno sa mga pagkukulang na iyon. I don't know what 'madugo' meant in his statement when this is what was more or less the normal expenses for the kids even back then when we were still living together," patuloy niya.
Nilinaw din ni Gordon na mas maliit na kung tutuusin ang gastos sa Australia sa pag-aaral ng mga bata dahil nasa public school ang kanilang mga anak.
"The support he gives to the children, when spent here, lumiit na kasi the actual cost of living in Australia is far more expensive compared to the Philippines. And not to mention they go to school here for free. No tuition fees are needed because they both attend a public school. So less expense for him really," paliwanag niya.
Ayon pa Gorton, hindi tungkol sa pinansiyal ang naging problema ng kanilang pagsasama ni Dennis kundi "beyond hindi pagkakaintindihan."
"I stayed with him for almost 12 years, mayroon man kami o walang pera. I stayed for him and I stayed for the kids because I wanted a complete family for all of us. But just like most things in life, you can't have everything you want," saad niya.
Sa kabila nito, natutunan daw ni Gorton sa kaniyang karanasan ang kahalagahan ng "patience" at "speaking the truth."
"In the end, if there were many new things that he learned in life just like he said, so did I. I learned more about self-worth, patience, understanding, and to only speak the truth," ayon kay Gorton.
Ginawa ni Gorton pahayag matapos ang panayam ng entertainment journalist na si Aster Amoyo kay Dennis kamakailan. Ayon sa komedyante, may co-parenting setup sila ng kaniyang dating partner pagdating sa kanilang mga anak, at nagbibigay siya ng pinansiyal na suporta.
Mayroon dalawang anak si Dennis kay Gorton, at tatlo naman anak niya sa dating asawa na si Marjorie Barretto.-- FRJ, GMA Integrated News