Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, pinapili si Herlene Budol kung sino kina Alden Richards o Buboy Villar ang kaniyang tipo.

Sa unang batch ng “Pick and Talk” segment, pinapili si Herlene kung sino kina David Licauco at Alden Richards ang kaniyang mas tipo.

Sa round na ito, si Alden ang pinili ng beauty queen.

“Mas nauna ko siyang crush eh. Idolo talaga. Parang uy, perfect guy,” paliwanag ni Herlene.

Sa sumunod naman na batch, pinili ni Herlene si Buboy Villar kaysa kay Kelvin Miranda.

“Napakapogi ng ugali niya. Kasi nag-lock in [taping] kami noon before, sobrang alaga niya sa akin as partner niya roon. Naging asawa ko siya ko po roon, sobrang alalay na alalay siya kahit walang camera. Sobrang alaga niya po ako as a friend.”

Tinutukoy ni Herlene ang Kapuso series na “False Positive” na pinagbidahan nina Xian Lim at Glaiza de Castro.

Sa last round, tinanong si Herlene kung sino kina Alden at Buboy ang kaniyang pipiliin.

Si Buboy ang final choice ni Herlene. 

“Promise, Buboy talaga. Kahit mga tropa ko, [tinatanong] nila na ‘Kumusta si Buboy?’ Napaka-pogi no’n, sobrang da best no’n,” sabi ng “Magandang Dilag” star. —VBL, GMA Integrated News