Ikinasal na sina Lovi Poe at Montgomery Blencowe sa Cliveden House sa United Kingdom. Habang naglalakad si Lovi, tinutugtog ang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka."

Sa Instagram, ibinahagi ni Hayden Kho ang ilang larawan sa wedding ceremony na ginanap nitong Sabado.

 

 

Makikita sa larawan si Lovi na suot ang backless wedding gown ni Patricia Santos, habang naka-traditional suit and tie si Monty.

“A beautiful love story unfolds...,” saad ni Hayden sa caption.

Sa Instagram post naman ng wedding guest na si Tim Yap, makikitang emosyonal si Lovi habang naglalakad patungo sa naghihintay na groom.

Sa video, sandaling tumigil si Lovi sa gitna at sinabing, “I wanna savor this moment,” habang tinutugtog ng orchestra ang “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap)

 

Taong 2019 nang mag-post si Lovi na kasama English film producer na si Monty. Noong 2021 naging engaged ang dalawa.— FRJ, GMA Integrated News