Hinding-hindi malilimutan ng dating manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA) na si Vince Hizon, kung gaano magpakita ng suporta sa kanilang team ang fans ng Ginebra. Kaya ang coach nila noon na si Robert Jaworski, mahigpit ang bilin sa kanila na suklian ang pagmamahal ng fans.
Sa isang episode ng Bawal Judgmental segment ng "Eat Bulaga," isa si Vince sa guest choices tungkol sa mga basketball player na may iba pang naging sports.
Kuwento ni Vince, bunso sa anim na magkakapatid, basketball na lang kaniyang nilalaro mula pa noong pagkabata dahil ito rin ang nilalaro ng kaniyang mga kuya.
"'Yung bola, nasa 'script' ko. My brother would just put it, I would sleep with the ball," kuwento niya.
Bago maglaro ng basketball, kurso ni Vince ang pre-physical therapy. "Parang 'yun natural eh, I wanted to help people," saad niya.
Para kay Vince, ang paglalaro sa Ginebra ang mga pinakamaganda niyang karanasan sa basketball.
"Grabe, talagang best time of my life for basketball was the time we were with Ginebra, with Coach Jaworski's team. We were the last team that he coached, so talagang special 'yung team ko, that was 1997."
"We're still feeling the love. Ginebra fans are the best, they've really given me so much. It's something that Jaworksi always instilled sa team. If someone makes an effort to come to you, siyempre reciprocate, give back to them, give your time, give your effort, spend time with them, get to know them," sabi pa ni Vince.
Pero para kay Vince, mas gusto niyang maalala ang puso na kaniyang ibinigay sa kaniyang bawat laban.
"For me, if they want to remember me, don't remember me by the great plays or anything like that. I want them to remember how hard I played. Kasi no matter what, I gave my all and if worked out, good. If it didn't at least I can say I tried my best."
Edad 52 na ngayon si Vince. Tumatayo siyang General Manager ng Quezon City Beacons Professional Team, at isa ring analyst sa PBA.
Mayroon na silang tatlong anak ng kaniyang asawa na edad 18, 15 at 3. -- FRJ, GMA Integrated News