Sa segment na "Patikim ng Intriga!" ng "Mars Pa More," ibinahagi ng "Bubble Gang" babe na si Analyn Barro ang natanggap niyang "indecent proposal" kung saan inalok daw siya ng dolyares makasama lang ng ilang araw sa isang resort.

Ayon kay Analyn, ipinadaan ang naturang alok sa email address na makikita sa kaniyang Instagram account na inilagay niya "for collaboration and all."

"There's one email sa akin na parang sabi niya [nagpadala ng email na] dadalhin niya ako sa isang resort with this kind of dollar amount for two to three days," saad ni Analyn.

Hindi binanggit ng dating Starstruck contender kung sino ang nagpadala ng mensahe at hindi raw niya pinansin ang naturang alok.

Panoorin ang naturang episode ng "Mar Pa More" at alamin kung nakatanggap din ba ng indecent proposal si Denise Barbacena at hosts ng programa na si Camille Prats at Iya Villania.

-- FRJ, GMA News