Magsasama-sama sa isang TV series ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, at kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy.
Ayon sa GMA Drama, kasama ng Legaspi family sa upcoming Kapuso series na "Hating Kapatid" sina Valerie Concepcion, Leandro Baldemor, Mel Kimura, at marami pang iba.
Nitong Martes, nagsagawa ng story conference ang series pero wala pang ibang ibang detalye na inilabas.
Kasalukuyang host si Mavy sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition," habang naglunsad naman si Cassy, ng kaniyang vodcast na "Cassy's Corner" nitong Disyembre.
Nitong nakaraang taon, napanood si Zoren sa "Black Rider," habang may guest appearance sa "Widow's Web" si Carmina para sa kaniyang karakter na si Barbara Sagrado-Dee sa "Widows' War."
Dati ring nagkasama sina Carmina, Mavy at Cassy sa programang "Sarap, 'Di Ba?." -- FRJ, GMA Integrated News