Libre ang pamasahe sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2 sa Biyernes, December 20 bilang pamaskong ng gobyerno, na mula sa subsidiya ng Office of the President.
“Ang inisyatibong ito ay isang simpleng paraan upang maibsan ang gastos ng ating mga kababayang abala sa paghahanda para sa Pasko,” ayon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
“Nawa’y magdulot ito ng ginhawa at maramdam ng lahat ang malasakit ng pamahalaan ngayong kapaskuhan," dagdag ng pangulo.
Tinatayang makikinabang sa naturang libreng sakay ang nasa 1.1 milyong pasahero: 450,000 sa MRT-3; 460,000 sa LRT-1; at 200,000 sa LRT-2.
Una rito, inihayag ng pamunuan ng MRT at LRT na palalawigin ang kanilang operating hours sa panahon ng kapaskuhan para maserbisyuhan ang inaasahang mas maraming pasahero. — FRJ, GMA Integrated News