Nagbigay ng pahayag ang sea travel provider na 2GO matapos makansela ang biyahe ng kanilang mga barko sa Manila North Port Passenger Terminal nitong Lunes.
"As safety is utmost priority for our passengers, 2GO canceled voyages amid inclement weather brought about by Super Typhoon 'Karding' and in accordance with directive from Philippine Coast Guard," saad ng 2GO sa kanilang pahayag, na makikita sa Unang Balita nitong Miyerkoles.
"Voyage updates, including cancellations, are sent directly to passengers via SMS. These are also shared on 2GO Travel's official Facebook page and website," dagdag pa ng kumpanya.
Pinaalalahanan naman ng 2GO ang mga pasahero na ibigay ang kanilang tama at gumaganang mobile numbers kapag magbu-book.
"2GO operations resumed last Sept. 26, 2022 and assures affected passengers can rebook or refund their tickets for free," saad ng kumpanya.--Jamil Santos/FRJ, GMA News