Inihayag ni Michelle Madrigal na nagpasiya siyang magpahinga muna sa social media. Ang kaniyang dahilan, alamin.

“I’ve logged off/deleted my social media apps temporarily,” saad ni Michelle sa kaniyang Instagram post.

“I have decided to step away from these platforms indefinitely to work on myself and deepen my relationship with the Lord. Summer gave me an opportunity to look inward and reflect on myself,” pagpapatuloy pa ng aktres.

Ayon kay Michelle, inilaan niya sa panalangin at katahimikan ang kaniyang sarili noong mga nakaraang linggo at nakaramdam ng pagpapagaling.

“The last couple weeks of silence, prayers, and isolation has been the best decision for my mental health. Learning through meditation, community, sobriety, celibacy, and healing as I go through the journey of becoming the woman God intended me to be.”

“You became what you consume,” saad pa niya.

 

Bago nito, inihayag ni Michelle na meron siyang dini-date na lalaking nagngangalang Kyle noong Agosto 2022. Ngunit napag-usapan ang kanilang paghihiwalay noong i-delete ni Michelle ang kanilang Instagram photos at nagsalita tungkol sa healing.

Naghiwalay naman sina Michelle at dati niyang asawa na si Troy Woolfolk noong Abril 2022. May isa silang anak na si Anika, na isinilang noong 2017.--FRJ, GMA Integrated News