Naglabas ng bago niyang single si Doja Cat na pinamagatang “Balut.” Ang American singer at rapper, may paliwanag kung bakit ito ang titulong kaniyang napili.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Martes, sinabing ang “Balut” ay bahagi ng kaniyang upcoming album na “Scarlet.”

Sa kaniyang Instagram stories, sinabi ni Doja na "it signifies a bird being eaten alive” ang titulo ng kaniyang kanta.

"It's a metaphor for Twitter stans and the death of Twitter toxicity. The beginning of 'X' and the end of 'tweets,'" paliwanag pa niya.

Hati ang netizens sa kanilang mga reaksyon, kung saan ang iba ay natuwa at nag-crave pa sa balut.

Ngunit inihayag naman ng iba ang kanilang pagpuna dahil hindi umano buhay ang sisiw sa balut kundi ito ay steamed o grilled.

Kabilang sa mga kanta ni Doja Cat ang "Paint The Town Red," "Woman," "Kiss Me More," at "You Right." -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News