Nagpahayag ng kalungkutan si Sandara Park nang hindi matuloy ang concert sa Cebu na katatampukan sana ng ilang K-pops acts na kinabibilangan niya.

Sa ulat ng GTV News "Balita Ko" nitong Lunes, sinabing nag-tweet sa X si Sandara para humingi ng paumanhin at ipaalam sa kaniyang fans ang kaniyang nararamdaman.

"I'm so sad and sorry for my fans coz of the Cebu concert. I'm also very very sad and disappointed with what happened. I was preparing a lot for the show," saad niya.

"But there is always next time so pls I hope you guys are ok and don't forget I'll always be here for my Daralings and Blackjacks," patuloy ni Sandara.

Gaganapin sana ang Awake: A New Beginning concert ng ilang K-pop acts nitong Sabado.

Pero noong Biyernes, inanunsyo ng organizer ng show na hindi na ito matutuloy dahil sa "unforeseen circumstances and unpredictable weather condition." --FRJ, GMA Integrated News