Ihanda na ang mga teleskopyo dahil sa pambihirang pagkakataon ay masisilayan sa kalangitan simula sa Disyembre 21 ang "Christmas star."
Ayon kay GMA’s resident meteorologist Nathaniel Cruz, minsan lang sa loob ng 800-taon nasisilayan ang pagningning ng "Christmas star."
Nangyayari ito kapag naghilera ang dalawang higanteng planeta na Jupiter at Saturn mula sa daigdaig.
Maaari umanong matanaw ang "Christmas star" sa sandaling lumubog na ang araw simula sa December 21, ilang araw bago ang selebrasyon ng kapanganakan ni Hesus.
Ayon sa mga eksperto, makatutulong ang mga teleskopyo at mga katulad na gamit para mas malinaw na makita ang pambihirang pangyayari. --FRJ, GMA News