Nagkaroon na ng unang nomination night para sa eviction ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Pero sa halip na karaniwang isa lang, mag-partner ang nominado na maaaring mapaalis sa Bahay ni Kuya ngayong taon.
Kabilang sa duos na na-nominate ngayong linggo ay sina Ralph De Leon at Michael Sager na naka-10 points; AC Bonifacio at Ashley Ortega na may nine points; at Will Ashley at River Joseph na may eight points.
Tanging ang tandem nina Dustin Yu-Esnyr at Mika Salamanca-Brent Manalo ang hindi nabigyan ng puntos ng kanilang mga ka-housemate para maging nominado sa eviction.
Samantala, nabigyan naman ng immunity sa nomination ang tandem nina Charlie Fleming at Bianca De Vera. —mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News