Kilala ang Cordillera sa magagandang tanawin at mga kabundukan. Pero may isang bundok sa Sagada na katangi-tangi dahil sa kulay nitong asul—na siya ring kulay ng taong 2020.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung papaano mararating ang misteryosong bundok na kung tawagin ay "Kaman-Utek." Alamin kung bakit nagkukulay asul ang bundok at kung ano ang mga dapat paghandaan sa pag-akyat dito na aabutin daw ng tatlo hanggang apat na oras na trekking.

Bukod sa "Kaman-Utek," may isa pang pambihirang bundok na Cordillera na nagbubuga naman ng mainit na usok.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News