Sa halip na magpalibre dahil birthday niya, ang jeepney driver pa ang mistulang nagbigay ng regalo sa kaniyang mga pasahero sa paraan ng libreng sakay sa Olongapo City.
Sa kaniyang pamamasada nitong Linggo, naglagay si mang Ray Mendoza ng karatula sa kaniyang jeep na may nakasaad na, " Hi it's my bday today i'm very happy to ride you free!"
Bukod sa mga pagbati mula sa netizens, umano rin ng maraming papuri ang kagandahang-loob na kaniyang ginagawa.
Kahit daw kasi sa simpleng paraan ay nakapagbigay siya ng kasiyahan sa iba sa araw ng kaniyang kaarawan.
Happy birthday po manong!-- FRJ, GMA News.