Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Alden Richards ang lagay ngayon ng relasyon nila ng kaniyang co-star sa “Hello, Love, Again” na si Kathryn Bernardo. Saad ng aktor, nakilala niya at nabibisita ang pamilya ng aktres sa tuwing may pagkakataon siya.

"Yung mayroon po kami ni Kath ngayon Tito Boy is... I could say really deep," sagot ni Alden nang tanungin ng King of Talk kung nililigawan ba niya si Kathryn.

“Since I got the chance to really know her now personally, ang dami ko pong nadi-discover sa kanya, our similarities and differences in how we view life. And sobrang na-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open up niya sa akin and, you know, welcoming me to her life, and of course, the family,” patuloy ni Alden.

Kuwento ni Alden, nakilala na niya ang pamilya ni Kathryn, at nakakabisita siya sa mga ito tuwing may pagkakataon siya.

Inilarawan ng aktor na "humble" ang pamilya ng aktres, at magkapareho sila ni Kath na lumaki sa probinsiya.

“I see how similar our families are in terms of how we see life, how we deal with everyday, and ‘yung pagiging makatao po. That's how kung ano si Kath, ang laking factor nung family ngayon po,” ayon kay Alden, na nagpapasalamat sa magandang pagtanggap sa kaniya ng aktres at pamilya nito.

Nang tanungin si Alden kung alam ni Kathryn ang kaniyang intensyon sa dalaga bilang isang kaibigan, tugon ng aktor, “Siguro sa ngayon po, ayoko pong madaliin kung ano man po ‘yung pinagdadaan naming dalawa, and I think she has all the time in the world now that she's been able to try new things as well for herself.”

Nang tanungin naman kung ano ang papel ni Kathryn sa kaniyang buhay ngayon, ayon kay Alden, "Right now po kasi we are just, you know, very blessed with this opportunity that we have right now and, you know, the friendship po that we have right now is deep and special. And ang laking bagay po nun kasi mas nagagawa po namin nang tama ‘yung mga bagay na dapat naming gawin in terms of the film.”  
Napapanood na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang "Hello, Love, Again."-- FRJ, GMA Integrated News