Nagbigay ng pahayag si Bea Alonzo tungkol sa larawan na naka-post sa social media post na makikitang may kasama siyang non-showbiz guy.
Sa kaniyang Instagram Stories, sinabi ng Kapuso actress na "getting out of hand" na ang mga espekulasyon tungkol sa naturang larawan nila ng lalaki.
“Can we all relax?,” saad niya. “WE ARE JUST FRIENDS.”
“And the stories are getting ridiculous!” dagdag pa ng “Widows’ War” actress na may kasamang laughing emoji.
“Kalma lang po tayo,” patuloy niya.
Una rito, ni-repost ni Bea sa kaniyang IG Stories ang selfie na kasama ang non-showbiz guy na makikitang masaya siyang nakasandal sa balikat nito.
Lumabas ang naturang larawan ni Bea ilang araw matapos namang may lumabas din sa social media na espekulasyon tungkol sa kaniyang ex-boyfriend na si Dominic Roque at aktres na si Sue Ramirez na nasa Siargao.
Ang mga netizen, inisip na bagong nobyo ni Bea ang non-showbiz guy na kasama niya sa larawan.
Taong 2023 nang maging engaged sina Bea at Dominic at nakaplano na sanang magpakasal ngayong taon pero hindi natuloy matapos nilang ianunsiyo noong Pebrero na tinatapos na nila ang kanilang engagement.
Inihayag nina Bea at Dominic na kapuwa nila desisyon ang kanilang paghihiwalay. —FRJ, GMA Integrated News