Nasawi ang isang Grade 3 pulis matapos siyang mabundol ng motorsiklo habang tumatawid patungo sa paaralan sa Lapu Lapu City.
Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing isinugod sa ospital ang batang siyam na taong gulang pero binawian din ng buhay.
Inaresto ng mga awtoridad ang rider ng motorsiklo, at sinabing hindi niya napansin ang tumatawid na bata.
Nangako siyang tutulong sa pamilya ng bata.
Mahaharap ang rider sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.—FRJ, GMA Integrated News