Matapos ang isang dekada, ni-level up nina Jerald Napoles at Kim Molina ang kanilang relasyon at engaged na sila ngayon.

Sa Instagram, ipinost ng Nice Print Photo ang ilang larawan sa ginanap na engagement ng dalawa kung saan inalok ni Jerald ng kasal si Kim sa PETA Theater.

Mahalaga para Jerald at Kim ang naturang tanghalan dahil dito sila unang nagkita.

Sa larawan, makikita si Jerald na nakaluhod habang nagpo-propose kay Kin, at may background na sunflowers at mga maliliit na ilaw.

Hindi naman napigilan ng aktres na maiyak sa kasiyahan dahil sa ginawa ng nobyo.

“10 years in the making and back to where they both first met,” saad ng Nice Print Photo.

 

 

Bumida kamakailan sina Jerald at Kim sa comedy series na “LOL: Last One Laughing,” sa Prime Video.— FRJ, GMA Integrated News