Muling binalikan ni Benjamin Alves ang pinagdaanan niyang pagsubok habang nagsisimula sa showbiz, na naging daan para ibaling ang kaniyang atensiyon sa pag-aaral.
Sa "Share Ko Lang," inilahad ni Benjamin na pumasok na siya sa acting noong 2006 hanggang 2009, pero patuloy siyang nakatatanggap ng mga rejection.
"I needed to go back to school to find a sense of security siguro or confidence that I lost with those three years na having so many rejections," saad niya.
Dahil dito, nag-aral siya sa English literature sa University of Guam, kung saan nakapagtapos siya bilang isang scholar at summa cum laude.
Hindi itinanggi ni Benjamin na nakaramdam siya ng inggit sa tuwing napapanood ang kaniyang mga nakasabayan sa showbiz.
“I made a mistake one time of watching TV, of local TV and I saw my contemporary, 'yung kasama kong nagbi-video or nag-o-audition dati na given the opportunity. While I was completely happy for them, you can’t help na manghinayang kasi dapat nandoon ka rin,” saad ng "Owe My Love" actor.
Malapit nang magtapos noon sa kolehiyo si Benjamin nang mapatanong siya sa sarili kung bakit mabilis niyang tinapos ang kaniyang pag-aaral.
"Then I realized myself, 'Why did I choose to finish school so fast?' And the reason why I finished school in two and a half years was because I wanted to give myself a chance to come back," ayon sa kaniya.
"Ang hirap kasing i-admit na nabigo ka, or mahirap i-admit na nag-fail ka sa dream mo noong bata ka. Ang hirap sabihin na hindi mo na puwedeng gawin 'yun," dagdag ni Benjamin.
Sa halip na magpadala sa inggit, pinili ni Benjamin na maging masaya at magtiwala sa kaniyang naging desisyon.
“I was in a healthier state and mindset ... ‘OK ... I won’t be hard on myself. There won’t be envy or jealousy towards them or resentment towards my decision because I am in the right place and I am done with my education. I’m in a happier state. Now I can choose,’” saad niya.
Nang magbalik sa Pilipinas, agad namang siyang muling nabigyan ng oportunidad sa Kapuso Network.
“I really do believe in timing,” ayon kay Benjamin. “You close it in your head but in life, life has plans for you." --FRJ, GMA News