Isa sa mga puna sa mga Filipino ang pagiging laging "late" o hindi dumarating sa takdang oras ng usapan. Nakuha nga ba natin ang ugaling ito sa mga Kastila na labis na pinapahalagahan noon ng mga Pinoy at laging hinihintay kahit "late" na dumarating sa mga okasyon?

Ayon sa isang dalubhasa, tila naging status symbol ang pagiging late lalo na kung itinuturing "VIP," dahil bukod sa pagkakaroon ng "dramatic entrance,"  nakikita rin ang kaniyang kahalagahan kung hinihintay siya ng mga tao. Panoorin ang video na ito ng "Investigative Documentaries."

Pero bakit hindi nawala sa kultura ng Pinoy ang pagiging late at patuloy na ginagawa ng marami, pati na sa pagpasok sa trabaho.

Batay sa datos ng People Management Association of the Philippines o PMAP, tatlo sa bawat 10, o 30 porsiyento ng  empleyado ng mga kumpanya ay nahuhuli sa oras ng pagpasok kada araw.

Alamin kung bakit malaking problema ito sa HR department ng mga kompanya.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News