Inilahad ni Gal Gadot na nagkaroon siya ng "massive" blood clot o pamumuo ng dugo sa utak habang ipinagbubuntis noon ang kaniyang ika-apat na anak.

Sa Instagram post, ibinahagi ng "Wonder Woman" star ang kaniyang karanasan noong nasa ikawalong buwan ng pagbubuntis noong Pebrero.

Ayon kay Gadot, ilang linggo siyang nakaranas ng matinding pananakit ng ulo na dahilan para manatili lang siya sa kama. Hanggang sa magpa-MRI siya at doon na niya nalaman ang nakakatakot na resulta.

"In one moment, my family and I were faced with how fragile life can be. It was a stark reminder of how quickly everything can change, and in the midst of a difficult year, all I wanted was to hold on and live," saad ni Gabot.

Pagkatapos nito, agad siyang isinugod sa ospital, at sumailalim sa emergency surgery, at ipinanganak din ang kaniyang baby na si Ori.

"Her name, meaning 'my light,' wasn't chosen by chance. Before the surgery, I told Jaron that when our daughter arrived, she would be the light waiting for me at the end of this tunnel," pahayag ng aktres.

Nagpasalamat siya sa tinawag niyang ''extraordinary'' team of doctor na kaagad na tumulong at nag-asikaso sa kaniya hanggang sa kaniyang paggaling.

"Today, I am fully healed and filled with gratitude for the life I've been given back," sabi pa ni Gadot.

Sa kaniyang naging karanasan, nagbigay ng kaniyang saloobin ang aktres tungkol sa kahalagahan nang pakikinig sa katawan.

"Pain, discomfort, or even subtle changes often carry deeper meaning, and being attuned to your body can be life saving," ani Gadot. "Second, awareness matters. I had no idea that 3 in 100,000 pregnant women in the 30s+ age group are diagnosed with CVT(develop a blood clot in the brain)."

Ayon kay Gadot, mahalagang matukoy nang maaga ang naturang kondisyon sa kalusugan upang malunasan.

"While rare, it's a possibility, and knowing it exists is the first step to addressing it. Sharing this is not meant to frighten anyone but to empower. If even one person feels compelled to take action for their health because of this story, it will have been worth sharing," paliwanag niya.

Sa comment section, nagmuni-muni ang aktres tungkol sa kaniyang pagbubuntis, at inilarawan ang kaniyang panganganak bilang isang ''miracle,'' at isang paalala sa mga ina na alagaan ang kanilang sarili.

"Giving birth is a miracle, a testament to the strength and resilience of our bodies and spirits. But it also demands so much from us, reminding us to care for ourselves as fiercely as we care for others," ayon kay Gadot.

"As we celebrate Hanukkah, a holiday of light and miracles, I reflect on the personal miracle I was granted. My daughter, Ori, is a constant reminder of resilience, hope, and the strength we carry within. My wish is that we all find our light, experience our own miracles, and continue to advocate for our health and for one another," patuloy niya.

Si Baby Ori ang ika-apat na anak nina Gadot at Israel film producer na si Jaron Varsano. Mayroon pa silang tatlong anak na sina Alma, Maya at Daniella.—FRJ, GMA Integrated News