Isa ang kanin sa main source ng carbohydrates na nakapagbibigay ng enerhiya sa katawan ng tao. Ang problema, kapag sumobra sa kain nito, maaari itong makasama sa katawan lalo na sa mga diabetic. Kaya ang "Pinoy MD," itinuro ang puwedeng pamalit sa kanin— ang cauliflower

Ayon sa isang nutritionist-dietician, ang isang cup ng kanin ay umaabot sa 200 ang calories at mayroon pang Glycemic Index na 43.

Pero ang cauliflower, bukod sa 28 lang ang calories,  mataas din ang fiber, may anti-oxidant, at mababa ang  Glycemic Index.

Si Lee na nais magbawas ng timbang pero hindi puwedeng talikuran agad-agad ang kanin, isinalang sa taste test kung saan ipatitikim sa kaniya ang ordinary rice at cauliflower rice. Ano kaya ang kaniyang pipiliin? Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News