Sa unang pagkakataon, makakakita ng personal si Doc Ferds ng "Born To Be Wild" ng kakaibang uri ng hipon na malaki ang ulo, parang alimango ang sipit, mistulang alakdan ang buntot, at kayang lumaki ng hanggang 12 pulgada o isang ruler. Ang tawag nila rito, mud lobster o "bulaso."

Tunghayan sa video na ito kung papaano nahuhuli ang mga bulaso na nakabaon sa putik at nakatutulong na pandagdag-kita sa ilang residente sa Polillo, Quezon. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News