Ibinahagi nina Sanya Lopez, Ysabel Ortega, at iba pang Kapuso stars ang kanilang New Year’s resolutions ngayong 2025.
Sa ulat ni Nelson Canlas sa “Balitanghali” nitong Huwebes, sinabi nina Sanya at Ysabel na hangad nila ang mga simpleng pagbabago para pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Para sa “Pulang Araw” star na si Sanya, “eating more” ang gusto niyang baguhin.
“Malakas talaga akong kumain,” saad ni Sanya. “Bukod sa sleeping late, siguro nagiging hobby na rin talaga ‘pag wala kang masyadong ginagawa.”
“Stop sleeping late. “Bawal na muna magpuyat ngayon,” para naman kay Ysabel.
Ibinahagi din ng “Prinsesa ng City Jail” stars na sina Sofia Pablo at Allen Ansay ang mga pagbabagong dapat baguhin ng isa’t isa ngayong taon.
“Dapat iwan na niya 'yung, 'Pwede naman ma-late kahit 10 minutes,’” sabi ni Sofia kay Allen.
Si Allen naman, pinaalalahanan si Sofia na kumain ng gulay.
“Last year mo pa ‘yan pinangako," sabi ni Allen kay Sofia.
Si Ashley Sarmiento naman, gusto nang iwan ang kaniyang “past self” sa 2024.
“Gumawa tayo ng bagong version,” sabi niya.
Ibinahagi rin ng kaniyang ka-loveteam na si Marco Masa na gusto niyang gawing mas produktibo pa ang kaniyang oras kaya iiwan na niya ang pagiging procrastinator.
“Procrastinating po kasi minsan talaga, may mga times na nakakatamad talagang kumilos. But yeah, this year, plano ko talaga to do a lot, to do more.” -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News