Magsasagawa ng full Cabinet meeting si Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. sa susunod na linggo, January 7, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) nitong Huwebes.
Ayon kay PCO acting Secretary Cesar Chavez, kasama sa mga tatalakayin sa pulong ang mga legacy project, gaya ng mga big-ticket programs at Official Development Assistance (ODA)-funded projects.
Nitong Huwebes, nagkumparahan ng "some notes" sina Marcos at Executive Secretary Lucas Bersamin kaugnay ng gagawing full Cabinet meeting, sabi pa ni Chavez.
Noong 2024, nagkaroon umano ng dalawang full Cabinet meetings si Marcos, dalawang special Cabinet meetings, at 49 na sectoral Cabinet meetings.
Inihayag din ni Chavez na gagawin ang taunang tradisyon sa Palasyo na Vin Dā Honneur sa Enero 11.āmula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News