Isang person deprived of liberty (PDL) ang nasawi at dalawang pa ang sugatan sa nangyaring pananaksak sa maximum security compound sa New Bilibid Prison (NBP) kaninang umaga.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor), batay sa impormasyon mula kay acting Superintendent Corrections Chief Inspector Roger Boncales, nangyari ang insidente dakong 7:15 a.m. sa Gate 1-A, Quadrant 4 ng compound.
Hindi tinukoy ng BuCor kung sino ang mga PDL na sangkot sa insidente habang hindi pa nasasabihan ang kani-kanilang pamilya.
Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyari.
Pinaalalahanan naman ng punong himpilan ng BuCor ang lahat ng kanilang opisyal na mananahala sa mga prison and penal farms (OPPFs) na magpatupad ng kaukulang hakbang para sa proteksyon ng mga PDL at kanilang mga tauhan.
“To prevent any untoward incident while the incident is being investigated, the Bucor Headquarters directed all superintendents of OPPFs to take precautionary measures at their respective OPPFs to ensure the safety of both PDLs and staff,” ayon sa pahayag. --FRJ, GMA Integrated News