Masarap magtiris ng taghiyawat pero mayroon itong posibleng kapalit na problema na kailangan mong harapin sa hinaharap— ang uka-ukang mukha na likha ng mga peklat ng pinigang taghiyawat o acne scars. Pero may paraan pa kaya para maibalik ang makinis na kutis?
Ipinaliwanag ni Dra. Jean Marquez, isang dermatology expert, na hindi sapat ang mga papahid-pahid lang ng kung anu-anong gamot para maalis ang mga peklat sa mukha na likha ng tiniris na taghiyawat lalo na kung malalim ang mga ito.
Pero sa tulong ng modernong teknolohiya, may paraan pa umano upang malunasan ang bakas na iniwan ng acne scars. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News