Inilabas na ang pinakahihintay na unang pasilip na teaser para sa bagong "Superman" movie na may kasama pang kasangga na "Superdog" na si Krypto.
Sa panimula ng teaser ng "Superman" na idinirek ni James Gunn, na nasa likod din ng "Guardians of the Galaxy," na bahagi na ng bagong DC Universe, ipinakita ang Man of Steel (David Corenswet) na tila nabugbog at nag-crash-landing sa snow.
Pero isasalba siya ng kaniyang alagang aso na si Krypto.
Ipinakita rin ang iba pang karakter gaya ng Daily Planet star reporter na si Lois Lane (Rachel Brosnahan) at ang kontrabida na si Lex Luthor (Nicholas Hoult).
Ang pelikula ay prodyus nina DC Studio heads Gunn at Peter Safran mula sa script ni Gunn.
Ipalalabas ang "Superman" sa mga sinehan at IMAX sa Pilipinas simula sa Hulyo 9, 2025, at ang Warner Bros. Pictures ang magsisilbing distributor. — FRJ, GMA Integrated News