Timbog ang isang babaeng scammer umano na nangangakong ipapanalo ang kaso sa korte kung babayaran siya ng malaking halaga ng pera sa Davao City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing nadakip ang 49-anyos na suspek sa isinagawang entrapment operation sa Lanang District.

Gumagamit umano ang suspek na si alyas "Janice" ng iba't ibang contact numbers at pangalan sa social media para makapanloko.

Sinabi ng National Bureau of Investigation na aabot sa P600,000 ang nakuha ng suspek mula sa isa sa mga biktima.

Itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kaniya.

Nahaharap siya sa mga kasong estafa at use of illegal alias. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News