Patay ang isang sundalo matapos siyang barilin ng kapwa niya sundalo na kaniyang nakatalo sa inuman sa Sipalay, Negros Occidental.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing nagka-inuman sa loob ng kampo upang ipagdiwang ang kaarawan ng isa nilang kasamahan.
Sumuko sa pulisya ang suspek matapos ang insidente.
Ayon sa militar, maaaring ma-discharge o ma-demote ang suspek, depende sa resulta ng imbestigasyon.
Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News