Nadakip ang isang pulis nang mahulihan ng shabu umano na nagkakahalaga ng P1.3 milyon sa kaniyang sasakyan sa Libmanan, Camarines Sur.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing narekober rin mula sa sasakyan ng police corporal ang dalawang baril at ilang magazine.

Sinusubukan pang kunan ng panig ang pulis, na maaaring maharap sa criminal at administrative cases. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News