Malaki ang naiaambag na tulong ng isang humanoid robot na katuwang ang gobyerno sa pananatili ng mga tren sa Japan.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing pinaaandar ng isang tao ang humanoid robot.
May taglay na camera ang mga tila mata nito, at nakapagbubuhat pa ng mga bagay na may hanggang 40 kilo ang bigat.
May kakayahan din ang robot na humawak ng paint brush kaya tumutulong din ito sa pagpipintura.
Gamit ang chainsaw, napuputol din ng robot ang mga sanga ng puno na nasa daanan ng tren.
Napupunan ng humanoid robot ang kakulangan ng empleyado sa bansa, at nakababawas sa mga posibleng aksidente sa trabaho. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News