Pinagbabaril at napatay habang nakasakay sa kanilang kotse ang isang mag-asawa sa Butuan City, Agusan del Norte

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Biyernes, sinabi ng pulisya na pauwi na ang mag-asawa--na 48-anyos ang babae, at 57-anyos ang lalaki--matapos hindi matuloy ang pagdinig na dadaluhan sana sa barangay hall nitong Miyerkules.

Pero habang binabagtas nila ang daan sa Purok 5B sa Barangay Amparo, pinagbabaril sila ng mga salarin na nakasabay sa motorsiklo.

Ideklara ang mag-asawa na dead on arrival sa ospital.

Away sa lupa ang tinitingnan ng mga awtoridad na motibo sa krimen.

“Pineprepare na yung documents para sa filing ng kaso,” ayon kay Butuan City Police Office Chief PIO, Lieutenant Crispolo Alburo.--FRJ, GMA Integrated News