Nahuli-cam ang ginawang pangho-holdap ng apat na armadong lalaki sa isang delivery hub sa Calauag, Quezon. Kabilang sa kanilang natangay ang P800,000 halaga ng koleksiyon ng hub.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapapanood ang pagpapadapa ng isa sa mga armadong lalaki sa isang empleyado ng hub.

Bukod sa koleksiyon, natangay din ng mga holdaper ang baril ng security guard at mga cellphone.

Tumangging magbigay ng pahayag ang staff ng delivery hub.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News