Na-ospital ang isang bata sa Malungon, Sarangani matapos matusok ng gunting sa ulo, ayon sa ulat ng Saksi mula sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes.

Nangyari raw ang insidente habang nag-aaway ang bata at kaniyang kapatid.

Batay sa kuwento ng ama ng bata, nahampas ng bag ng 5-taon-gulang na lalaki ang ulo ng 8-taon-gulang niyang ate. Nasa loob daw ng bag ang gunting na tumusok sa ulo ng pasyente.

Kinakailangan daw maoperahan ang bata para matanggal ang gunting pero malaking halaga ng pera ang kinakailangan para sa operasyong nakatakda sanang gawin ngayong Sabado. —KBK, GMA Integrated News