Nakapagtala ng apat na kaso ng foot and mouth disease ang bayan ng Vintar sa Ilocos Norte.
Batay sa datos ng Vintar Regional Health Unit (RHU), may edad anim hanggang 10 taon, at pawang magkakamag-anak ang mga tinamaan ng sakit.
Maayos na raw sa ngayon ang kalagayan ng mga bata.
Pero pinayuhan sila na huwag munang makisalamuha sa iba upang hindi makahawa.
Ayon sa municipal health office, posibleng nakuha ang foot and mouth disease sa paglalaro sa maruruming lugar.
Payo ng RHU, palakasin ang resistensya at ugaliing maglinis ng katawan para makaiwas sa sakit. —LBG, GMA News